August 6th, 2007
UPCAT ii
"Aljohn, may naghahanap sa'yo sa labas..gising ka, dali.."
"Ha?!"
Pagtingin ko sa relo ko, 5.30 na. What?! 6.30 ang exam q sa UP!
"Shocks! Pakisabi sandali.."
Dali-dali kong kinuha yung bag ko, buti na lang nahanda ko na yung gamit ko nung gabi bago ang UPCAT. Ng mga oras na ito, hindi ko na inisip na maligo at magtoothbrush man lang dahil super late na talaga ako. Hindi rin ako nagpalit ng damit. E hindi pa naman ako naligo bago nung araw na yun, so ang baho ko na. [grabe.. bakit ko ba naisipang isalaysay ito?!]
6.00 na. Nasa Junction pa lang kami nung kasabay ko. Sobrang kaba na ako at alala sa dahilang baka hindi ako makakuha ng exam at hindi ako nag-aral ng mabuti para sa test. Solution? Siyempre ang aking comfort food--chocolates! Yehey!
6.25. Kakasakay lang namin ng Ikot. Buti na lang sa School of Economics lang ako. Pero si Grace, yung kasabay ko, College of Engineering pa, tatakbo pa siya. Yun nga. Hindi na namin naantay yung traffic, bumaba na kami ng jeep at dali-daling tumakbo.
6.30. Nasa labas pa tin ako ng campus. Hindi ko kasi alam na School of Economics na pala yung nadaanan ko. So tinignan ko pa yung banner at na-verify ko na nga na yun yung bldg. ko. Tapos ang akala ko pa, kukuha din ng exam yung nasa labas na mga tao, yun pla mga parents sila! Buti na lang, pumasok ako. At kung hindi ako magpapansin dun sa nakatayong babae sa entrance, hindi ako makakapasok.
"Mage-exam ka?"
"Opo."
"Dali, takbo na! Magsisimula na!"
"Shucks naman! [sabay takbo..]"
At yun. Nakapasok na ako at kumuha ng exam.
After UPCAT, inaya ako ng classmate kong si Celine sa Galleria, bday kasi niya nun. So yun, sumama ako. 23.30 na ako nakauwi ng bahay dahil nagpagupit pa ako at naglaro pa ako ng Audition.
Nga pala, speaking of Audition, kakalvl13 ko lng kanina. Haaay salamaaat... After 10 years.. [clapclapclap..] Yehey!
August 5th, 2007
UPCAT
Kakatapos lamang ng UPCAT kanina.
Para iba yung feeling ko. Nadalian kasi ako eh. Baka sign na hindi ako papasa. wahaha.. Wag naman. Sana makapasa ako pero mas gusto kong pumasa sa DLSU.
Napakaisip-bata pa rin ng mga posts ko. Pasensya na hindi pa ko seryoso. Tsaka ko na ikekwento yung UPCAT.
July 31st, 2007
Audition
I have just finished my project my English and I'm out to play Audition again. yehey!
July 29th, 2007
Heck[ll]
July 28th, 2007
first
This is my first entry.. new blog na naman. ü